Sunday, August 19, 2012

Zsa Zsa Padilla diagnosed with Stage 1 kidney cancer

Diagnosed with Stage 1 kidney cancer ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Ayon sa report na inilabas ni Joseph Pimentel ng ABS-CBNnews.com katanghalian ngayong araw na ito, Agosto 19, sinabihan daw si Zsa Zsa ng mga doktor na tumingin sa kanya na mayroong lumalaking laman sa loob ng kanyang kidney, o sa bato.?

Ito raw ay kasing-laki ng isang golf ball.

Si Zsa Zsa ay 48 years old.

?The first time I saw Dr. Folkes, he immediately told me it was malignant," ang pag-quote ng report kay Zsa Zsa.

"So when I heard that word 'malignant,' I said, 'Oh man, I have cancer.? I went back the next day for blood work and a scan and it showed the same thing?almost a three centimeters growth?and he advised for it to be taken out."?

Pumunta ng California nitong nakaraang linggo si Zsa Zsa para sa launching at promotion ng Zein Obagi product ni Dra. Vicki Belo. Habang naroon ay nagpa-check up na rin si Zsa Zsa ng kanyang kidney.

Sa Los Angeles na rin niya, kasama ang anak na si Zia, ginunita ang ika-40 araw ng kamatayan ni Dolphy, ang kanyang partner sa loob ng huling 23 taon.

Nagkaroon ng misa?sa St. Patrick?s Church sa North Hollywood para sa yumaong Comedy King ang ilang kaibigan at kapamilya nito.

Hindi pa man nakaka-recover mula sa pagkawala ng mahal niya sa buhay ay dumating naman agad ang bagong pagsubok na ito sa buhay ng tinatawag sa Philippine entertainment scene na Divine Diva.

Hinanda man ang sarili at aminadong gumawa na ng bucket list, mananatili raw malakas at positibo si Zsa Zsa na malalagpasan niya ang bagong pagsubok.

Sasailalim si Zsa Zsa sa surgery sa Agosto 27 sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, para tanggalin ang nadiskubreng malignant growth sa bato.

Kung magiging maayos ang operasyon, makakaalis na siya sa ospital matapos ng dalawang araw at makakabalik-trabaho matapos ng isang buwan.

?This is the first stage. Once it's removed, I'll be cancer-free. I'm going to take care of myself and eat well," pangako ni Zsa Zsa.

Source: http://www.pep.ph/news/35341/Zsa-Zsa-Padilla-diagnosed-with-Stage-1-kidney-cancer

the waltons weta weta rudolph the red nosed reindeer rudolph the red nosed reindeer adam carolla rick neuheisel

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.